OFW Concern Image

OFW Concern

Ang ating mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay itinuturing natin na mga bagong bayani, ngunit sa kabila ng kanilang mga sakripisyo at pagpapadala ng pera sa ating bansa, tila hindi sapat ang tulong na kanilang natatanggap mula sa gobyerno.

Napakarami nang OFW ang nag-aambag sa ekonomiya ng Pilipinas, subalit tila ba hindi maayos na sinusuklian ang kanilang mga pagsusumikap. Ilang dekada na ang lumilipas, ngunit ano ba ang konkretong mga hakbang na ginagawa ng ating pamahalaan para mapabuti ang kalagayan ng ating mga kababayan sa ibang bansa? Sa kasalukuyan, tila WALA pa rin.

Higit sa lahat, ito ay isang aspeto na dapat nating pagtuunan ng pansin at aksyon upang masiguro na ang mga OFW ay makatanggap ng tamang suporta at proteksyon mula sa ating pamahalaan.


Mga Hakbang para sa Tulong sa OFW

Narito ang mga hakbang na maaari nating gawin upang makapagbigay ng kaunting tulong o ginhawa sa ating mga OFW:

Alisin ang OEC/OFW Pass: Ito ang isa sa talagang nagpapahirap sa lahat ng mga Ofw ang OEC/OFW Pass kailangan na itong alisin at palitan ng permanent ID na pagpapatunay na isang OFW para kahit kailan gustong mag bakasyon ng ating mga OFW ipapakita na lang ang permanent ID at wala ng iba pang kailangan kung babalik sa parehong bansa ang isang OFW...Read More

PH Embassy Middle East: Philippine Embassy sa middle east sumasabay sa day off ng mga OFW ano ba naman kalokohan to bakit hindi ilipat sa ibang araw ang day off ng Philippine Embassy sa Middle East? Kung talagang hangarin makatulong ng ating Philippine Embassy kailangan nitong gawin working day ang Biyernes dahil yan ang day off ng ating mga OFW at dyan sa araw na yan sila pwedeng makapunta sa Philippine Embassy na hindi kailangan mag absent at mabawasan ng sahod...Read More

Scholar para sa mga anak ng mga Non-Skilled workers: Kahit isa man lang sa miyembro ng pamilya ng isang OFW ay maisama sa scholar at magiging isang malaking tulong na ito para sa kanila...Read More

Pabahay na abot kayang hulugan: Maraming OFW ang umuuwi ng walang sariling bahay dahil sa sobrang mahal ng mga lupain at bahay ngayon sa Pilipinas kung talagang may malasakit ang gobyerno gagawa ito ng paraan na pabahay para sa mga OFW na pwedeng hulugan habang nag ta-trabaho sila sa ibang bansa...Read More

Hospital discount sa pamilya ng Ofw: Sa laki ng perang naipapasok ng ating mga OFW wala man lang nakaisip na bigyan ng hospital discount ang pamilya ng isang OFW. Sa panahon ng nasa hospital ang isang kaanak ng isang OFW sila parin ang takbuhan at hahanap ng madidiskartehan sa ibang bansa...Read More

Paglagay ng mobile/telephone number na 24/7:Maraming napapahamak na mga OFW sa kadahilanang walang makontak na numero sa ating Philippine Embassy kung meron man walang sumasagot dito at dahil dyan napapahamak ang ating mga OFW mayron napapatay, nagagahasa, nabubugbog at marami pang iba. Mga tao sa PH Embassy gising nandyan kayo para mag trabaho at tulungan ang ating mga OFW hindi para mag pacute o magpapasyal...Read More

Sa pagkakaroon ng mga hakbang na ito, maari nating mas mapanatili ang kabutihan at kalusugan ng ating mga OFW, na nagbibigay ng malaking kontribusyon sa ating bansa at ekonomiya.