Aktibista | Boses ng Masa!

Tayo ay magiging bantay sa ating pamahalaang baluktot na puno ng mga korap at mapanlinlang na opisyal ng gobyerno, mga pulis na mapag samantala at lumalabag sa kanilang mga tungkulin.

Hindi tayo magpapabaya sa mga taong nananamantala sa kanilang kapangyarihan upang magsilbing halimbawa ng katarungan at integridad.

Corruption

Confidential fund isa itong maituturing na legal at harap harapan na korapsyon lalo kung hindi natin uususisain kung saan at paano gagamitin ang pera ng bayan. Papayag ka bang malustay ang pera ng mamamayang Pilipino sa walang malinaw na pag gamit nito?

Read More

Police Brutality

Ang hustisya ay para lang sa mayaman pagdating sa ating mga kapulisan ginagamit din ng mga ito ang kanilang posisyon upang pumatay ng mga inosenteng mamayan, manakot ng mga sibilyan, mangotong at mag recycle ng mga drogang kanilang nakukuha sa raid.

Read More

OFW Concern

Mga bagong bayani kung sila'y ating ituring pero sa kabila ng pag papasok ng pera ng ating mga OFW sa ating bansa sinusuklian natin ito ng pagpapahirap sa kanila. Ano ano na ba ang nagawa ng ating gobyerno para makaranas ng kaunting tulong ang ating mga OFW? WALA!

Read More

Inflation

Mga pangakong matatamis bago pa lang maluklok sa pinaka mataas na posisyon isa rito ang pag baba ng presyo ng mga bilihin katulad ng bigas na sa hanngang ngayon lalo pang tumataas. Magpapaloko ka pa ba sa mga pangakong alam naman natin na hindi kailan man matutupad dahil pangalan ng pamilya at pang sariling interes lang talaga ang kanilang prayoridad.

Read More

Drugs

Lalong dumami ang droga sa ating bansa mula nung nakaraang adiministrasyon hanggang sa ngayon. Ang fake na war on drugs ay nagdulot lang ng maraming pag patay sa mga mamamayan Pilipino na walang maayos na paglilitis habang ang mga high-profile na drug lord ay malayang nagagawa ang gusto at protektado pa ng FAKE na WAR ON DRUGS na ito!

Read More

China is not our friend

Kung inyong matatandaan sinabi ng nakaraang administrasyon na, China is our friend hanggang sa ngayon ba ito parin ang paniniwala mo? Gumising ka kaibigan alam mo sa sarili mo na China is NOT our Friend. Kinamkam nito ang karagatang na dapat ay para sa atin, sinira ang ating mga likas na yaman, pagmamaliit at pananakit sa ating mga mangingisda. Siguro para sa taong nagsabi ng China is our friend ay meron siyang malalim na lihim na illegal na mga transaction o mga illegal na ginagawa na ayaw niyang mabuking dahil sa kasabwat dito ang China.

Read More